Categories

Archives

Meta




Advertisements



    Help Dianne and Faith win at Bhabiejhoice-xoxo 1st contest This post is for Dianne and Faith

Ako si Vinmark

Ako to. Wala ka ng magagawa don!

Hobbies and Habits.

Author: AkosiVinmark
04 16th, 2009

“A hobby is only fun if you do not have time to do it”
“MAGLELEVEL UP na ang character ko mamaya!”

sabi ng bata na adik na adik sa online games, hindi ko alam kung libangan pa ang tingin nila dito o mukha na silang mga adik na kailangan i rehabilitate, saan ang rehabilitation center? sa computer shop. bakit nga ba madaming baliw na baliw ngayon sa mga computer games, online games at iba pang di pindot na mga bagay..? pindot dito pindot duon.. “PANALO ako!!” masaya..pagkatapos ng laro, walang pera.. gutom at nahihilo dahil nalipasan ng gutom.. di bale, panalo ka naman.

nakakabilib naman talaga ang mga gumagawa ng computer games, astig sila para saken. ginagawa ng iba na libangan ang mga larong di pindot ang iba naman.. parang kasama na sa normal na buhay nila, at siguradong isa na ako don sa mga yon. paano naman ako makakaiwas eh kalat na kalat ang mga online games at mga ibat ibang laro ngayon.. uso, cool kapag magaling ka. SIKAT.

hindi mo nga lang alam, nilalamon ka na nito. ang hobby o libangan ay isang activity kung saan nagpapalipas ka lang ng oras o nagpaparelax ka, para maging masaya ka. ang habit naman ay ang paulit ulit na pag gawa nito na hinahanap na ng katawan mo, parang naka schedule na sa time table mo na kailangan mo to, ang masama mapunta to sa addiction na lagpas na sa mentalidad ng isang tao para macontrol o mapigil ang sarili para gawin ang isang dating pampalipas oras lang. hindi na masaya ang dating pampalibang kung pati ang personal mong buhay ay nacocontrol na. hindi ba?

may mga habit na para sa ikagaganda at ikakasama natin, kaya kung ikaw ay naninigarilyo, lasinggero, sugarol, adik sa damo, sa bato, sa katol, sa posporo, sa eraser, sa mantika, sa pagkain, sa laro o kahit anong kinakaadikan mo na alam mong masama.. itigil mo na, bago ka malamon ng sarili mong kaadikan.



Monthsary.

Author: AkosiVinmark
04 13th, 2009

“There is no such word as monthsary”

ang monthsary ay parang anniversary, yun nga lang ang monthsary eh ipinagdidiwang kada buwan unlike anniversary na kada taon, pero sinabihan ako ng isang pulube na,

“hanggang 11 monthsaries lang ang maaabot nyo ng gf nyo!”

sinagot ko sya ng..

“bulol!! yung pang 12 months namin anniversary na yun..”

natauhan yung pulube at nagpasagasa sa lrt.

ang pagmamahal ay hindi nasusukat kung gaano katagal, kaikli, kalaki, kadami, at kung gaano niyo ka miss ang isa’t isa, nasusukat to sa pagtitiwala at pagiisip sa kasiyahan ng bawat isa.

hindi nyo ba alam na ang month ay galing sa latin word na “mensis”?, kaso ang meaning ng mensisversary eh, ang pagkakaroon ng buwanang dalaw, pwede mo na ngayon sabihin sa karelasyon mo kung mensisversary nyo na maligayang kabuwanang dalaw. sosyal dba?

“Love is not something you feel. It’s something you do.”

ang pagmamahal ay nabubuo ng dahil sa respeto sa isa’t isa. hindi pwedeng ikaw lang ang bigay ng bigay hanggang maubusan ka para sa sarili mo at makitang walang wala na ang lahat sayo na miski ang sarili mo ay hindi mo na makita, hindi rin naman pwedeng tanggap ka lang ng tanggap pwedeng bumaliktad ang mundo at ikaw naman ang magbigay at mawala din ang lahat sayo. mahirap hanapin ang taong makakasama sa habang buhay, ang pagmamahal ay parang multo na pinaguusapan ng lahat pero konti lang ang nakakaalam, parang pigsa na bigla nalang susulpot at pahihirapan ka, parang lotto na bigla kang tumama at paliligayahin ka, kung lumigaya ka swerte mo, kung hindi naman.. better luck next time siguro..

.

pero kung ako ang tatanungin mo? sasabihin ko sayo na hindi lang ako tumama sa lotto, wetteng, color game, jackstone, batobato pick, singing contest, dance contest, pitik bulag, palabunutan kahit american idol eh kulang pa para sabihin ko kung gaano ako pinasaya ng pagmamahal na to. parang fairy tale na ako ang prince charming at andyan ang mga ex girlfriends kong mga monsters at mga ex boyfriends ng prinsesa ko na mga kuto at garapata para saken. ( lolx )

sana nga happy ever after na, mahal na mahal ko ang botsog ko.. sobra.. ^^



Bespren?

Author: AkosiVinmark
04 11th, 2009

“Dogs are Man’s Bestfriend”

Kung aso ang pag uusapan, maipagmamalaki ko na madami na akong matatawag na naging bestfriend ko, yun nga lang ang maipapayo lang ni bantay sa mga problema mo ay puro tahol.  marami akong kaibigan na mukhang aso pero hindi ko naman sila matawag na bestfriend ko.

sabi nila, mahirap daw maghanap ng totoong kaibigan..

hindi mo ba alam na may 11,553,427 na tao sa buong metro manila, 96,061,680 na tao sa buong pilipinas, 4,050,404,000 na tao sa buong asya, at 6.77 billion na tao sa buong mundo na naghihintay na maging bestfriend mo. isipin mo nalang sa 6.77 billion na tao sa mundo eh nahanap mo ang bestfriend mo, para mo na rin nahanap ang pinakatatagong kayamanan sa mundo, kaya ako.. kapag nahanap ko ang bestfriend ko, isasangla ko..

“Everyone hears what you say. Friends listen to what you say. Best friends listen to what you don’t say.”

pero paano mo ba malalaman na bestfriend mo ang isang tao? ano ba pagkakaiba nun sa kaibigan lang..

araw araw iba’t ibang tao ang nkakasalamuha, nakikilala, nakakausap, nakakapikunan at ang iba dun sa mga taong yun ay madalas nagiging mga kaibigan natin. kung ako ang tatanungin ang mga kaibigan ay ang mga taong sumusuporta at tumutulong sa atin kapag nakakagawa tayo ng mali, at ang mga tinatawag nating “rarest treasure on earth” na mga bestfriend natin eh hindi tayo hahayaan na gawin ang mga pagkakamali na yon. for me a true friend acts like a superego in all of us,  and of course will not let you go wrong.

pagtitiwala ang nag uugnay sa dalawang magkaibigan, and i do rather walk in the dark with a friend rather than walking alone in the light. a bestfriend shows the correct paths when we are lost. laugh when we laugh and cry even when we try to hide our tears. No one is perfect in this world, that is why god made friends to support us, and also send jesus christ to be our friend to walk with in our darkest moments. :)

.

.

hindi ko alam kung ganito din ang tingin nya saken, pero..

thank you at bumalik na din ang bestfriend ko. yahooo! parekoiii..! cheers!  :p



For a change.

Author: AkosiVinmark
04 10th, 2009

Biyernes Santo ngayon. nakakabagot. walang magawa.. mainit. tila galit na galit ang araw sa lahat ng bagay na masinagan ng sinag nito; kaya hindi ako lumalabas ng bahay. andito lang ako sa harapan ng laptop ko at gumagawa ng kung ano ano.. wala kang binabasa ngayon kung hindi ko nagawa yung mga kung ano ano na yun.

isa pa sa mga kung anu ano na yun. eh ang walang kamatayang friendster, grabe. nakilala ko tong si mr.friendster nung 2nd year highschool pa ako. ngayon na malapit na ako magtapos ng kolehiyo eh. mas lumala ata ang kasikatan nya; naalala ko tuloy na may nag add saken dun na sampung taong gulang lang.. punyemas! nung ganung edad ako eh mas maliit pa sa microbacteria ang pagka interesado ko sa mga computer. ang alam ko lang nun eh manghingi ng piso sa mga magulang ko at pumunta sa pinaka malapit na sari sari store para ipagpalit to sa kung ano mang mabebetsin na pagkain dun. pero okay lang. bilib daw saken yung bata dahil sa ganda ng profile ko. mabalik tayo dun sa mga kung anu anong nagagawa kapag bored na bored kana, yung tipong tutubuan kana ng lumot sa muka sa sobrang bato mo, eto ang ilan sa mga malulupet kong payo para sa mga taong bugnutin at walang magawa sa mga buhay nila.

1. kung emo ka, siguro sawang sawa kna kakalaslas ng pulso mo sa kamay. try mong maglaslas sa pulso sa singit para maiba naman. malilibang ka nito ng hindi lang isang araw. kundi isang linggo. may entertainment ka pa mula sa mga doktor at nars sa ospital.

2. kumuha ng posporo at sunugin ang bahay. tumakbo sa labas at magpapalakpak. malilibang ka nito habang nakikitang nauupos ang bahay mo. nakakalibang din ang pag iisip ng dahilan na isasagot kapag tinanong ka ng mga magulang mo kung ano ang totoong nangyari. kung nababagot ka pa din. sunugin ang sarili.

kung nagawa mo na ang mga ito. at bagot na bagot ka pa din.. magpakamatay kana. dahil wala kang kwenta.

nakakaenjoy din pala gumawa ng blog na ganito. actually it’s my first time to make my very own blogsite. yung hindi social community? haha.. masarap sa pakiramdam kapag nagsusulat ka ng mga ganito. parang kausap ko na din yung mga taong nagbabasa nito. kagaya mo, dba? ayos. iba talaga ang nagagawa ng teknolohiya sa buhay. dati, hindi ako ganito. wala akong pakialam sa lahat ng bagay. hindi ko alam, basta wala akong pakialam kung ano ang ginagawa mo at wala ka ring pakialam kung ano ang ginagawa ko. siguro nga.. nag mamature na ako. pero hindi ko pa din maipagkakaila na may pagka childish pa din ako. sobra.. hanggang dito nalang muna itong unang post ko.. salamat sa pagbabasa. bisita ka ulet!! ^^